Sunday, January 21, 2007

Seryoso ako. Alam mo minsan nagda-doubt na ko kung maayos pa yung takbo ng utak ko. Totoo yan. Maraming beses ko na tinanong sa’kin kung matino pa ba ko. Kasi madalas gumagawa ako ng mga bagay na hindi naman ginagawa ng mga ordinaryong tao. Parang katangahang tanong yung “Sira na ba ulo ko?” para sa karaniwang pag-uusap, parang sinasabi lang yun para magpatawa pero ako seryoso ko pag tinatanong ko yung sarili ko ng ganun.

Natatakot ako na baka nga medyo wala na ko sa tamang pag-iisip minsan. Siguro dahil lagi akong nakakulong sa kwarto. Lagi akong nag-iisip. Lagi akong gumagawa ng mga bagay na magpapaaliw sa’kin. Lagi kasi akong mag-isa. Totoo pala yun na mabubuwang ka kapag isip ka ng isip. Uulitin ko seryoso ako.

Feeling ko taglay ko na yung mga sintomas na nakikita ko sa mga kapitbahay naming wala sa maayos na ulirat. Napapansin ko na rin yun sa’kin. Madalas akong nagsasalita mag-isa, as if meron akong kinakausap. Madalas kong kinakausap, iniingles yung mga taong sumasagi sa utak ko. Madalas akong kumakausap ng mga bagay na hindi naman ako kakausapin. Naaalala ko one time nabagsak ko yung bote ng shampoo (nung monday lang ata yun), nabagsak ko rin yung tabo at sabon (sabay-sabay), alam mo yung sinabi ko : “Oh come on, things are falling on their improper places” (exact words na sinabi ko that time), tawa na ko ng tawa nun (mag-isa). Naaalala ko rin na matapos kong itayo ulit yung bote ng shampoo tinanong ko siya kung “Galit ka? Kabati tayo ah.” (exact words ko rin). One time uupo ako sa sala, natawa ko nung makita ko yung electric fan namin na nakayuko, alam mo hinarap ko yung mukha ko dun sabay sabing: “Kumusta?”, tawa rin ako ng tawa pagkatapos nun, kanina yung mga unan ko kinausap ko rin sabi ko kay Sofie: “Tabi ka muna”, ayoko ng ganito, gusto ko nasa tama yung utak ko. Uulitin ko seryoso talaga ako.

Siguro alam mo na yung mga ginagawa ko kapag naliligo na ko, totoo yun, nilagay ko yun sa paraang matatawa yung mga babasa pero sa likod nun seryoso ako sa pag-iisip na bakit ko ginagawa yun. Actually, sa tuwing naliligo ako lagi akong tawa ng tawa. Habang sinusulat ko ‘to nag-aalala ako, nakasimangot, seryoso.

Kapag nasa labas ako, nakakakita ng ibang mukha, laging lumilipad ang utak ko, lagi akong nag-iisip, lagi kong nilalait yung mga taong nasasalubong ko (sa utak lang). Madalas hindi ko namamalayan na malapit na pala ko sa’min.

Ang hirap ng ganito, natatakot ako na baka sa susunod kumakain na ko ng mga bagay na hindi dapat kainin, na baka sa susunod hindi ko na makontrol na kausapin ang sarili ko sa harap ng maraming tao, na baka sa susunod mapahiya na ko, na baka sa susunod saktan ko na yung sarili ko, na baka sa susunod layuan na ko ng mga tao sa paligid ko.

Minsan nagbabasa na lang ako para maiwasan ko na yung mga ganun, pero bigo ako, madalas kasi naaagaw ng mga kawirduhan yung atensyon kong nakatuon sa isang matinong bagay. Kapag nanonood ako dun lang ako natatahimik, pero kapag commercial arya nanaman yung kagaguhan ko, minsan nga nalalaman ko na lang na tapos na pala yung pinapanood ko, hindi ko napansin kasi nag-iisip ako.

Mahirap yung ganito. Ayoko. Pero dahil ganito ko, lalong lumawak ang imahinasyon ko, yun nga lang madalas kong nagagamit sa mga hindi matinong bagay. Siguro sa ibang pagkakataon natawa ka sa pagbabasa nito, pero sana seryoso mong inintindi ‘to.

Totoo lahat ng nabasa mo. Ginawa ko ‘to hindi para patawanin ka o kung ano pa man kundi para ibahagi lang sa’yo ang kasalukuyang pinagdadaanan ko. Wala akong maisip na paraan sa ngayon para maovercome ‘to. Siguro kailangan ko lang magfocus at magconcentrate sa mga bagay na makapagpapabalik ng dati kong pag-iisip.

Pabaon mula sa nagsulat: “Minsan you have to tell anyone what you’re going through, not to amuse them but to seek for their advice. Sana mag-comment kayo regarding this matter. hope to hear from you.”
Petsa ng paggawa: isang gabing nag-doubt nanaman ako sa sarili kong katinuan.
Inspirasyon ng paggawa: Mga taong nag-aabang ng posts ko.
Dahilan ng paggawa: Para makakuha ng advice from my readers.
Hinahandugan ng paggawa: Stephanie – isa sa mga inaasahan kong makaiintindi sa’kin sa dahilang pareho kami ng takbo ng utak.

4 comments:

Anonymous said...

uy leo,,grabe ka naman... seyosos ka ba talaga? muka ngang nahahawa ako sau e.. habang binabasa ko toh dito sa ERS sa skul e pinipigilan ko ang pagtawa kahit tawang tawa na ako e.. baka kvc pagkamalan akong katulad mu e hehehe... oh yan my comment na,,, masaya ka na...
dont wori j.l NF will always be there for you noh... walang iwanan diba?.... ingat u lagi at thanks u;let sa choreo mo....viki

nian said...

uiiiiiiiiiiiiiiiiiiii..waw.. iba ang intense ng article na to... touch nmn ako at dinedicate mo to sakin... preho ba tau takbo ng utak..??? di nmn e... filing ko di tau magkalebel.. di ko marereach level mo noh... ibang intensity ng sau e.... parang preho tau ng situation.. ako nmn lgi nagdedeydrim.. lalo na sa biyahe... minsan filing ko nagbabago ung mga facial expresion ko hbang nagdedeydrim tas may nkakahuli sakin minsan iniisip siguro nun baliw ako.. wahaha.. buti nga ikaw nsa bahay lng e.. walang nkakakita.. iwas iwasan mo nlng siguro ung pagsasalita mag isa.. mas lalo k nagmumukhang bliw e.. hehe.... mish u............................... magload na tau..!! prang la ring silbing nag sun tau kung di tau nagtxtxt..!! hehe.. mis ko n strtxt... thimik phone ko ngeon.. la ka kasi e....

Anonymous said...

kulang ka lang ng mga taong kinakausap... learn to explore your world. widen your horizon. pag wala kang magawa puntahan mo si ate mak. aun dun keo magrambulan sa kanila. para mahawa na din cia.. hahaha....

Anonymous said...

Kaw ba si leo oracion bka kamag anak pa kta.