Sunday, January 7, 2007

1 message received... waw! may text nanaman ako. read. “mzta?”. ano ba! tigil-tigilan na ko ng “mzta” na yan! Kung pera ang pesteng “mzta” na yan malamang milyonaryo na ko ngayon. Isa ito sa dahilan (mzta) kaya Pilipinas ang text capital ng mundo - at ang impormasyong ito ay sikret lang natin kaya ‘wag mong pagsasabi.

Maraming uri ng textmate: Chokarans – sila yung mga taong mahilig magtanong ng “mzta” kahit kauuwi n’yo lang sa kanya-kanyang bahay matapos magwindow shopping sa tutuban (Langyang yan! tutuban na nga lang window shopping pa! dukha!). Mismis- ito naman yung mga textmate na kunwaring namimis ka pero sa totoo lang wala silang makatext kaya pinagtitiyagaan ka. Plastikadas- oo, tama ang nabasa mo, yan ang uring swak na swak sa’yo lalo na kapag sinasabihan mo ng “mwahugz” yung mga katext mong hindi mo naman kaututang-dila kapag magkasama kayo. Hu-Us- sila yung mga uri ng taong pamistiryus epek pa na nagpapaexcite sa’yo para hulaan kung sino sila pero nakadidismaya matapos mong malamang kaklase mong amoy baktol lang pala. Aybolsters- sila naman yung mga textmates na sa dyaryo mo lang nakita yung number at hinihikayat kang makipagkita kahit alam mo namang dilaw ang isusuot niya kapag sinabi niyang green, mga talandi lang ang gumagawa nito kaya medyo-medyo swak din ito sa’yo. Historical figurines- sila ang mga kaklaseng bumabatok at nagpipitik ng kulangot sa’yo nung grade 3 ka, sigurado akong hindi mo na sila kilala dahil kinalimutan mo na ang masalimuot mong nakaraan, kinalimutan mo na ang mga panahong binawasan ng titser ang grade mo dahil hindi ka bumili ng embutido sa kanya. At Textmates Underground – sila ang mga textmates na syento-porsyento akong ayaw mong nagtetext sa’yo ng “wer n u? sundo kta?”, dahil sila ang mga kriminal mong kamag-anak na matagal ng nagbigti sa lugar na kinauupuan mo ngayon, bumisita sila sa’yo kahapon at ipinagmalaki ang sungay, buntot at tinidor na taglay nila ngayon, ‘wag kang mainggit pasasaan ba’t magkakaro’n ka rin nun.

Makapamimili ka rin ng kakaibiganin base sa text: Kapag tinanong ka kung kumain ka na- Neng, kung lalaki yan sunggaban mo na, sa itsura mong yan wala ka ng karapatang magpakipot pa, kung girlaloo naman makabubuting ‘wag ka na magreply, ngayon sigurado ka ng may matinding pagnanasa yung tingin niya sa’yo kanina. Kapag sinabi naman sa’yong wabyu o amishue- sinuman ‘yan, sigurado ka ng hindi totoo yung sinabi nya sa’yong maganda ka, kasalanan mo naman kasi ‘yan eh, masyado kang umaaasang maganda ka nga. Kapag puro quote lang ang pinadadala sa’yo- ‘wag mo nga yan itext, pampam lang yan, malamang walang magtext sa kanya o malapit ng matapos yung unli niya. Kapag pinasahan ka ng load- natagpuan mo na ang bebesprenin mo habang buhay, ‘wag mo siyang sasawayin sa ginagawa niya sa’yo. Kapag nagpapasa naman ng load- putulin mo na kung anumang pagkakaibigan ang meron kayo, ‘wag na ‘wag mo na siyang kakausapin, sabihin mo pumunta ka na ng Italy at doon ka na maninirahan at mag-aalaga ng mga tanim mong repolyo. Kapag tinetext ka naman ng mga inspirational quotes- haleluya! nagpadala na ng sugo ang nasa itaas para linisin ang halang mong kaluluwa at pagkaitim-itim mong budhi, ‘wag matakot magliyab kung saka-sakaling pumasok sa simbahan, normal lang yun sa mga kagaya mo, makaka-adjust ka rin. Kapag tinext ka naman ng mga chain message- ‘wag kang pauto, alam naming mahina ang ulo mo pero hindi ka tanga, kung nagpauto ka na bago mo mabasa ‘to: Boba kang inutil na hayop kang nuknukan ka ng tanga!. Kapag group message naman ang natanggap mo- hindi dapat maflatter dahil may nakaalala sa’yo, hindi niya intensyong makipagtext sa’yo nagkataon lang na nasa group list yung number mo sa phonebook niya, tandaan mo, wala kang kaibigan at hinding-hindi magkakaroon nun. At kapag walang nagtetext sa’yo- ibenta na lang ang cellphone mo sa Lotus at kumpletuhin mo na lang yung libro ng Harry Potter para naman kahit paano magkalaman ang utak mo.

Nakikita naman ang estado ng buhay ng tao sa cellphone na gamit nila: N-series ang ginagamit ng mga may sandamukal na card sa wallet: credit card, ATM card, calling card, prestige card, membership card, christmas card ( taray!recyclable ba ang christmas card?!). Mga may isang oras na video naman ang mga may kamag-anak na nagkakalawang o tagahugas ng pwet sa ibang bansa. May mga malalabong camera naman ang ginagamit ng mga ambisyosang nagpupumilit ipagkalandakang mayaman sila kahit na nagdidildil sila ng sarsyadong itlog at inasnang kanin sa totoo lang. Mga tututututtut-tut-tut na selpon naman ang pinagyayaman ng mga maralitang swerte ng makakain ng paa ng manok isang beses sa bawat linggo. At naghahabaang selpon na may antenna naman ang gamit ng mga negosyanteng nagiisnatch-and-sell (sosyal!), para sa mga hindi nabiyayaan ng kahit kaunting talino: ang mga nagiisnatch-and-sell ay yung mga taong mas mapula ang eyeballs kesa sa lips, para naman sa mga ipinanganak na bobo talaga: sila yung mga snatcher na umakbay sa’yo nung araw na nawalan ka ng selpon.

Twelve Text Commandments: 1. Magload, mag-unli kung kinakailangan para makapag-establish ng friendship (waw! sa’n galing yon?). 2. Magreply sa kahit kanino, kahit kriminal replayan mo, malay mo yun na pala ang sagot sa matagal mo ng pinapangarap: ang mareyp. 3. Laging maglagay ng “?” sa huli ng text, kahit hindi kailangang maglagay ng question mark maglagay ka, para makasigurong magrereply ang katext mo. 4. Hindi kinakailangang gumamit ng “H”, ‘sah tingin moh bah magandah yung meh “H” sah mgah text, eh nakakabawas lang yun ng character sah text eh, dih bah?’ wag nah ah.’ (Baho! wag masyadong bigkasin yung “H” sa mga salita, baho eh) 5. Gumawa ng sariling spelling ng mga salita, keber mo ba kung hindi maintindihan yung text mo, basta masabi lang na may alam kang ibang text tulad ng “Gould neith” (Oooooowwwwwww! Pauso!). 6. Dalawang beses isend ang text, ito’y para bwisitin ang katext at makasigurong natanggap niya yung text mong “Oi”. 7. Icharge ang cellphone, hindi mo gugustuhing malobat sa oras na malapit ka ng sagutin ng pinopormahan mong hindi naman kagandahan. 8. Habaan ang text, ang maikling reply ay nagpapakita ng kawalang-gana sa pakikipagtext, magtext ng mahaba kahit walang kwenta (wala ka rin namang kwenta eh). 9. Wag ma-wrongsend, hindi magandang makatanggap ng “Pu*&$%#na” ang nanay mo lalo na kung para ito sa kaumbagan mo kanina, kung sakaling mangyari, hugasan kaagad ang mga plato, magsaing, magwalis at maglinis ng banyo upang hindi palayasin o pamagain ang bunganga (pwera na lang kung fan ka ni Anne Curtis). 10. Wag itext ang ayaw mo naman itext, alam kong inborn na ang kasamaan ng ugali mo pero ‘wag ka naman magpakaplastik kahit limang minuto lang (O sige tawad, 3 minutes). 11. Bilisan magreply, ayaw mong maghintay ng isang oras sa reply na “Bute! kaw?” matapos mong magkwento at tanungin ang katext mo kung kumusta na siya, kaya never ever gawin ‘yon kahit kanino, remember the golden rule: Time is Gold! 12. Wag tulugan ang katext, ito ang pinakaayoko sa lahat, papahapdiin ang mata para lang manatiling gising kahihintay ng reply ng katext tapos tulog na pala!Grrrrrr...

“Bute! kaw?”. Send. Sending Message. Message Sent. ngayon ko lang nareplayan yung text sa’kin.


Pabaon mula sa nagsulat: “Ang walang humpay na pagpindot ng keypad ay nakapagpapamanhid ng kamay at nakakapagpasakit ng buto sa mga daliri, makabubuting magbent-knee-curl-ups, shoulder rotation at push-up dahil wala naman itong relasyon sa pagtetext.”
Petsa ng paggawa: Araw ng huli kong maagang paggising.
Inspirasyon sa paggawa: Cellphone ng tatay kong patay-sindi.
Dahilan ng paggawa: Para may magawang kanais-nais sa araw na’to.
Hinahandugan ng paggawa: Nanay kong hindi marunong magshortcut sa text.

3 comments:

nian said...

Di nmn totoo ung iba dito e..!! di porket ng mwah mwahug plastic.. wuhaha.. cute kea nung mwahugz… ntwa din ako dito.. lalo n gung part ng mga kaibigan sa txt saka dun sa mga commandments.. ginagawa ko dun ung iba e.. wuhahaha.. pwo tandaan mo, cute ang mga may “h” sa dulo noh… kla mo lng ndi.. simpleng pacute ang mga txt na un.. and last msg tigil tigilan mo n ung gould neith na yan.. kla mo cute.. ndi nmn.. meron png gould eyem na nllman.. hmp… hmp.. hmp… 86% ang grade nito.

Anonymous said...

Drug Lord Films
http://www.acaiberryscamsreport.com/ - acomplia sale
It is generally indicated for those who have a body mass index of more than 30.
[url=http://www.acaiberryscamsreport.com/]order acomplia[/url]
While there are many secondary uses, Acomplia is a drug that is most commonly prescribed to help with weight loss.
buy rimonabant

Roselle said...

hahaha xD
Astig po !