Kwentuhan kita. Kwentuhan kita ha? Pumayag ka na. Wala ka rin naman magagawa eh. Ang sakit naman ng radiation sa matas ko. Wait lang iaadjust ko lang yung brightness at contrast ng monitor (I’m sure hindi ka marunong nun, Nanginginig ka na nga kapag may biglang lumabas na dialog box eh. Hindi mo rin alam kung ano yung dialog box noh? Pigilin na ang paghinga please.) Ayan naadjust ko na. O di ba! Humaba yung intro ko! Eto na. Kwentuhan na kita. Fairy tale. Kunwari alam mo kung ano yung fairy tale ha (alam ko namang hindi marunong magbasa nanay mo kaya hindi ka nakwentuhan ng mga panahong lumulunok ka pa ng holen).
Babala: Maaaring magbago ang pananaw sa buhay matapos basahin ang kwento. Makabubuting pumikit habang nagbabasa. Gawin mo na lang kundi reyp ka sa’kin! (uuuy! kunware nandiri sa reyp. hindi bagay sa’yo. wala kang hitsura.).
Once upon a time (hindi mo naintindihan noh? English eh). Isang araw (Hindi ko rin naintindihan yang once upon a time ek-ek na yan eh, ginamit ko lang para ipamuka sa’yo na marunong ako magbasa). Nag-iigib sa poso si Cinderella para sa dalawa niyang step sisters: Si Berta at si Gardo (ngayon alam mo na, na baklengkleng yung isang kapatid, tsinismis lang sa’kin yun ni Ti Hubing, kasi nahuli daw niya yang si Gardo na nag-aahit. Ganito pa nga pagkasabi ni Ti Hubing eh: “Aysus! Giatay! Bakleng pala ga panganay ba ni Ti Ister, Nakita ko ba nag-aahit ga, Aysus! kakapal!”) . Malapit na mapuno ang balde ni Cinderella ng biglang tumilaok ang madrastang si Ester (hindi tunay na pangalan, waw! blind item!?!). Dinagukan ni Ester si Cinderella sa pag-aakalang binulsa nito ang tukador niya. Defense ang lola Cindy at sinabing nanghiram si Mangku ng salamin sa kanya, at dahil gusto niyang maging mabuti sa kwentong ito ay pinahiram naman niya, yun nga lang pati tukador. Super sayan ang Tita Ester mo at dali-daling sumugod sa castle ni Queen Mangku (Si Queen Mangku eh yung queen sa Snow white na witch, gumagamot siya ng pilay, usog at barang kada miyerkules 10 to 5pm, para sa home service tawagan lamang ang numerong ito: 09166688871). Kasalukuyang tinatanong ni Queen Mangku sa salamin kung dapat ba siyang magpa-lipo, kung kay Belo o Calayan, at kung kanino mura, nang marinig niya ang nagtutumilaoking ever na Ester (muli, hindi tunay na pangalan). Nalost ang temper ng Queen Mangku kaya naman kinuryente ng baston nito si Ester. Nalugi ang Meralco sa ginawang iyon ni Queen Mangku kaya naman tinigil na niya matapos mangisay si Ester. Patay na si Ester (bilis noh? naiirita na ko kay Ester eh, may screen name pa kasing nalalaman). Wagi ang Queen Mangku kaya naman agad siyang tumawag kay Fairy Godmother para yayain ito mag-jamming sa kanila, (droga ba, you know, shabu, deodorant, tawas, stuffs like that). Excited naman ang lola Fairy Godmother sa jamming session kaya’t agad itong nagtravel sa kumare nitong si Rapunzel para isama. Nagka-rashes si Fairy GM (waw! punkista!) after magclimb sa hair ni Mareng Rapunzel (May kuyumad na kasi ang hair ng Mareng Rapunzel mo, dahil Zest ang shampoo nito). Pinainom muna ni Mareng Rapunzel si Fairy GM ng nilagang oregano para sa sakit nito sa bato (ngayon alam mo na may kidney stones si Fairy Godmother at albularya si Rapunzel). Text to the max ang Rapunzel while inom si Fairy GM. Hindi alam ni Fairy GM na kasalukuyang may LQ ngayon si Rapunzel at Prince Charming (Tama! kabit lang ni Prince Charming si Snow White at si Rapunzel ang misis nito, may anak sile eh: Si PokPok at Boknat. Waw! Sana Maulit Muli?). Umalis ng bigo si Fairy GM dahil hindi jumoin ang kumare nito sa kanya. Lakbay siya patungong Kingdom Far Far Away para yayain naman ang inaanak niya sa kumpil na si Princess Fiona (maniwala ka! andun ako nung kumpil ni Fiona, sarap nga ng spaghetti eh). Bigo ulit na lumayas si Fairy GM dahil kasalukuyang baby-making sila Fiona nung pumunta siya. Napagod na lumipad si Fairy GM kaya naman sumakay na lang ito ng LRT. Nagpupumalag ang Fairy GM nang holdapin ito at kuhanan ng mahahalagang papeles: Birth Certificate, Baptismal, NBI Clearance at Postal ID. Nabwisit ang holdaper kay Fairy GM kaya biniyak nito ang noo ng matanda. Dedbol na si Fairy GM kaya bumalik ulit tayo sa castle ni Queen Mangku. Waiting galore ang Queen Mangku nang mapagdesisyunang simulan na ang jamming. Ginising niya si Sleeping Beauty na nakikitulog sa bahay niya mula ng maglayas ito (actually, pinalayas si Sleeping Beauty ng erpat niya kasi nahuli siyang tumotoma ng Red Horse sa tindahan ni Ti Puring). Nang hindi magising si Sleeping Beauty ay tinext na lang ni Queen Mangku si Peter Pan para makipag-jamming nga. Hindi nagreply si Peter Pan kaya naman miniscolan niya kagad ito. Walang signal sa loob ng castle kaya lumabas si Queen Mangku hanggang makarating siya ng palengke. Sa palengke nakasalubong niya si Goldilocks. Nag-irapan ang dalawa dahil nga may gap sila. Kesyo tinukso daw na baboy ni Big Bad Wolf ang mga alaga ni Goldilocks na three little pigs. Nakita ni Goldilocks na ngumalngal yung isang pig kaya naman napagbuhatan ng kamay ni Goldi si Big Bad Wolf (nagkapasa si Big Bad Wolf matapos ang insidenteng yon). Agad namang nagpa-police blotter si Queen Mangku laban kay Goldi. Habang namimili ng tatlong kilong paa ng manok si Queen Mangku para pulutan, kinalabit naman siya ni Mareng Alice sa likod. Nagulat kunware si Queen Mangku nang makita si Alice para may epek. Sa ikapitong pagkakataon, nilabas nanaman ni Alice ang titulo ng Wonderland para ibenta kay Queen Mangku (ahente ng lupa si Alice, nagbebenta rin siya ng mga herbal tea at gamot sa rabis). Nairita si Queen Mangku kaya nilaslasan kagad sa leeg si Alice (no sweat!). Tigok na si Alice (maikli lang yung role niya noh? naiirita rin ako sa kanya eh, hindi kasi kami close). Napagpasyahan ni Queen Mangku na mag-drop-by (waw!) sa house ni Snow White. Naabutan niyang nagsa-sunbathing ang lola Snow White mo dahil gusto nitong maging tan. Tinanggal niya ang pipino na nakatakip sa mga mata ni Snow White. Nang dumilat si Snow White ay dalawang daliri ang nakita niyang papalapit sa mata niya. Tinusok ni Queen Mangku ang mga mata ni Snow White kasi trip niya eh. Nagsusumigaw sa sakit si Snow White kaya to the rescue kagad ang Six Dwarfs (Six lang kasi nag-migrate na sa America yung isa). Agad namang pinagsisisipa ni Queen Mangku ang mga kapiranggot na dwende at nagbuwalan naman ang mga ito. Napagdesisyunan na lang ng anim na dwende na wag na lang makisali sa gulo dahil marurumihan yung costume nila (wala na kasing budget para magdalawa pa ng costume para sa mga extra). Tinarakan ng ice pick sa boobs ni Queen Mangku si Snow White nang mairita siya sa kasisigaw nito. Sa paglalakad niya pauwi ay nakatisod siya ng mahiwagang lampara. Kiniskis niya kagad dahil alam naman niyang may lalabas na genie doon. Lumabas nga si Aladdin at humingi ng tatlong hiling mula kay Queen Mangku. Ang tatlong hiling ni Queen Mangku: 1. Bigyan siya ng trenta pesos pamasahe pauwi (naubos na kasi nung mamili siya sa palengke). 2. Palakihin yung boobs at butt niya para magkaron siya ng suitors (inggetera kasi ang Queen Mangku dahil maraming nagbibigay ng Ferrero sa kapitbahay niyang si Jasmine, hindi ko kilala kung sino yang hayup na Jasmine na yan basta fairy tale character din yan). at ang huling hiling nito- matapos na ang kwento dahil manonood na ako ng Princess Hours (yung palabas sa channel 2 every Mondays to Thursdays pagkatapos ng Maging Sino Ka Man).
Pabaon mula sa nagsulat: “Magsaliksik ng iba pang fairy tale characters. Sabihin sa’kin pagkatapos. Mag-aral ka nga palang magbasa, sabi mo kasi tanga ka lang. Neng, boba ka kaya!”
Petsa ng paggawa: Isang gabing pinagpalit ko ang hectic tv sked ko para lang gumawa nito.
Inspirasyon sa paggawa: Si Aina na hindi ko inaasahang nagbasa ng blog ko.
Dahilan ng paggawa: Para ibulgar ang katotohanan sa likod ng mga fairy tales.
Hinahandugan ng paggawa: Si Shrek na nagpakita ng butt sa Shrek 1. So Sexylicious!
Sunday, January 21, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
nyekz... di p pla ko nkkpagcoment... tgl n din.. hehe... ahm.... nu ba masasabi ko dito..?? okei lng.. kwela nmn khit paano.. not ur best though.. hehe... atleast anest ako....!! ^-^
Post a Comment