Sunday, January 21, 2007

Inaantok ako. Alas kwatro na kasi ng madaling araw ako natulog kanina. Hindi ko alam pero nitong mga nakaraang araw para kong nagdudurog (nagshashabu para sa mga nagmamaang-maangang di sila adik). Grabe ang taas ng energy ko kapag gabi. Feeling ko nga anytime mahahati yung katawan ko, tutubuan ako ng wings (waw! ang cute! wings!), babaklasin ko yung bintana para makalabas (hindi ako dadaan sa pinto kasi ganun yung mga manananggal na napapanood ko sa movies), lilipad ako’t maghahanap ng laman (syempre pork, chicken o kaya beef, yoko ng tao so eeeew!), tas mahuhuli ako ng mga tao, dadating yung mga reporters at presto! Artista na ko! Wooooh!

Okay, get over with the remover (manananggal) thing. Kapag bangag-bangag na ko sa sobrang antok dun naman hyper ang utak ko mag-isip. Ang daming ideas na nagja-jogging sa mind ko (sumososyal na ko ngayon noh? Taglish na ko). Habang trip ko na mamahinga dun naman ako inaatake at ang ending nagsasayaw na lang ako sa ibabaw ng kama, gulong-gulong, leap sing, acting, weight-lifting, exercising, pyramiding, networking, suiciding (waw! wag ka maniwala).

Hitsura ko kapag natutulog: Nakapikit (malamang!), Nakahiga (akalain mo yun!), nakatagilid (nahihirapan ako huminga kapag nakatihaya eh, tsaka I find it so unsosyal), nakasara ang bibig (takot ako baka itlugan ng lamok yung bunganga ko eh. At dahil hindi nagsi-circulate ang hangin sa loob ng bibig ko ng mahabang panahon, dragon ang drama ko paggising, wag mong tangkaing kausapin ako kung ayaw mo pang lisanin ang mundo), nakakumot (kahit mainit nakakumot ako bago matulog para may proteksyon ako laban sa ipis, ligaw na kaluluwa at demonyong ginagawang tambayan ang kwarto ko), nakayakap sa unan (ganun kasi yung napapanood ko sa tv eh), At syempre napapaligiran ng unan (malaki kama ko eh natatakot ako na baka may tumabi sa’kin tapos pag baling ko mukha ng demonyo makita ko! Waaaaaah! Natakot ako bigla, tinakot ko nanaman sarili ko).

Dahil patuloy sila sa pagsisilbing laway-absorber (dyok lang ‘toh, nakasara nga bibig ko di ba pag natutulog, malamang makarelate ka dito), bininyagan ko sila sa mga pangalang binase ko sa hitsura, hugis, kulay ng punda, at personal na karanasan na aming pinagsaluhan. Buong-puso, kaluluwa, buhay, katawang-lupa, atay, balunan, bituka, esophagus (waw!) at anus (baho!) kong ipinakikilala sa inyo... (drum rolls by San Miguel Philharmonic Orchestra at Banda Nobenta’y sais ng Bacoor)... ang aking mga unan! (palakpakan, palakpak ka sige na.. Please... Yan nauto kita.. Teynk yu.. andaming kaeklatan mga unan lang naman papakilala): Spiderman – sa lahat ng unan ito ang pinakamahal ko, siya kasi yung nilalapatan ng kepya kong ulo gabi-gabi, kapag natutulog ako sa ibang bahay namimiss ko ‘to, matagal na ang pinagsamahan namin.. (Naiiyak ako!)...; Hello Kitty - binili ‘to ng nanay ko sa’kin (dingga!), blue naman na Hello Kitty eh kaya okay lang, nung kinwento ko ‘to kay owen naging albino sya kakatawa (Hi kay owen, manay gemma, oswald, omar at daddy.. Naks! special mention pamilya mo negro ka.. papasahan na ko ng load niyan mamaya kahit Sun sya at Globe ako, hoy! Prepaid na lang o kahit perahin mo na lang okay lang sa’kin); Reddy – kulay red kasi yung punda niya, bukol-bukol nga siya eh, siguro sa past-life niya basagulero siya, kaya marami siyang bukol ngayon (natatakot nga ako baka may breast cancer na siya eh, wag naman sana.. Pray for her.)..; Sofie – hug ko siya ngayon while typing, anlambot lambot niya kasi, ang sarap i-hug, siya yung lagi kong yakap gabi-gabi, (naiinis na nga yung ibang unan ko sa kanya kasi feeling nila may relasyon kami, nagkaka-ilangan na kami sa isa’t-isa eh)...; Bigboy – siya yung pinakamalaki, pinakamatigas at pinakanaiirita akong unan, siya lang yung unan na binili ko sa sarili kong pera (pinagsisisihan ko yon), nagba-body-building siya kaya naman ang tigas ng maskels niya, pinalayas ko na siya sa kwarto ko at kasalukuyang kinaiiritahan na rin ng mga magulang ko (nakaramdam naman ako ng awa bigla). ; Blue Baby - Sosyal ito, mataas ang kalidad, siya ang elitista sa mga unan ko, pinag-aral kasi siya ng mga magulang niya sa pribadong eskwelahan at nakatapos ng kolehiyo sa kursong medisina (kasalukuyan siyang nagtatrabaho ngayon sa’kin bilang foot therapist, nasa paanan ko kasi siya)..; Pinky – hindi ko alam kung tomboy ba siya o boyish lang, lagi kasing blue yung punda niya, matagal na siyang naninilbihan sa pamilya namin kaya naman pinahahalagahan ko rin siya kahit pa’no, siya yung naka-assign sa may binti ko, para kapag kinailangan ng madadantayan ng long legs ko eh andun siya (mayordoma na ‘to ng kwarto ko)..; At si Joy the Prodigal Pillow – siya ang pinakagusgusin sa lahat, salaula yang unan na yan, sa twing makikita ko laging madusing, ang tarasa kala mo hindi ko pinapakain (asa namang mapapakain ko yung unan..... maramot kaya ako! yung mga natawa sa joke na ‘to bilib na ko, hindi nga mahina utak mo kahit mukha kang gago... O yung iba wag magpretend na natawa, hindi mo nagets! bongols ka!), isa siya sa mga minsan ko ng napalayas na unan, nakiusap na bumalik, tinanggap ko naman, maawain ako eh.

Maikling kwento : Patay ang lolo ko nun ng magpasya akong umuwi muna para manuod ng VCD, syempre nagrent muna ko sa Estacion De Pelikula (video rentals sa’min na hindi gumagana karamihan ng VCD, tsambahan lang, swerte pag gumana, sayang pera pag hindi), naglakad ako pauwi (exercise ko na yun), sinusian ko ang pinto (nakalock kasi eh, syempre ayaw namin manakaw yung electric fan namin, may sentimental value na yun eh), binuksan ang ilaw sa sala (si nanay, si nanay, may uwi sa bahaaaay...), humakbang ng ilang ulit upang makarating sa aking munting kwarto (alangan namang magtricycle pa ko papunta dun), patay din ang ilaw ng kwarto ko ng buksan ko ito (iskeyri!), Binuksan ko ang ilaw ng aking munting kwarto (climax na), nang makaadjust na ang vision ko sa ilaw... Pu&%$##inaaaaaaaaa! May demonyong ipis na nakahiga sa unan ko! Ta&*%$na talagaaaaaaa! Syempre dahil sa karuwagan kong harapin ang mga pagsubok sa buhay, agad akong bumalik sa burol ng lolo ko para tawagin si ina upang patayin ang bwakanenang ipis sa kwarto ko (haaaay! hindi pa talaga ko pwedeng maging independent). Matagal bago napatay ang ipis kaya naman super saya ko nung makita ko na yung bangkay niya (sa tuwing nagpapapatay ako ng ipis sa ina ko, kinakailangan kong makita sa harap ko ang bangkay na yun ng ipis nang sa gayo’y mapanatag ang loob ko. Ganun ako eh.) Agad kong dinispatsa yung mga unan ko na nagpapasukal sa sa kama ko.. Mga pinalayas kong unan: The Watermelon twins (majujuba sila), The Eggpies (Mga ambisyosa yang mga yan), The Cylindrical Bears (regalo sa’kin nung 14th bertdey ko), Hearty Flakes (kris kringle sa’kin ni putek! Hi Putek, amishue sow mats!), Bigboy (ya know him na da ba!) at Si Joy the Prodigal Pillow (hango nga pala sa bibliya yung pangalan niya, waw!). Nagpalayas ako ng mga unan kasi yung pagiging masukal ng kama ko ang hinihinala kong dahilan kung bakit nagkaroon ng ipis sa kwarto ko. Nagkausap nanaman kami ng mga unan ko nung pinulong ko sila, nagpaliwanag yung mga pinalayas kong unan (syempre idedefend nila yung sarili nila), nagkaunawaan na kami, nagkapatawaran at ang endinf nag-group hug kami (tangina ni Joy ang baho!). Si Sofie nga pala yun nasa isang side ko at bingyan nanaman ng malisya nung iba kong unan yung pagkakataong iyon, naghinala nanaman sila na may relasyong namamagitan sa’min kaya nagpaliwanag kami and we both said na “Where friends” (nasaan ang mga kaibigan).

Senti mode(baka mapaiyak ako nito):At syempre makakalimutan ko ba naman si Queenie the Kama, marami-rami na rin ang memories namin together, siya ang dumamay sa’kin during the darkest part of my life, natatandaan ko no’n kinomport niya ko nung iyak ako ng iyak, yun nga pala yung unang araw na maging kama ko siya. Naiyak ako nun kasi dinispatsa na si Toto, yung dati kong kama (lulz!). Si Queenie rin nga pala yung nagmamasahe sa’kin kapag pagod ako, as in whole body massage lagi, Magdadalawang taon na kami magkasama at napamahal na rin kami sa isa’t-isa. Naaalala ko nga one time umiyak siya kasi nasipa ko siya sa ulo nung gumugulong-gulong ako, nagsorry naman kagad ako at sinabing hindi ko sinasadya, tinanggap naman yung apolog ko. Yun ang gusto ko kay Queenie eh very understanding siya, very lovable. Alam mo minsan mainit ang ulo ko nasusuntok ko siya (battered bed ito!) pero nandiyan pa rin siya para pakalmahin ako, kinukwentuhan niya ko ng masasayang memories kaya yon nawawala na yung init ng ulo ko. Minsan kinakantahan niya ko para makatulog ako. Naiilang na ako minsan kasi parang tsinatsansingan na niya ko, minsan nahuhuli ko yan si Queenie the Kama na yan na sinisilipan ako pag nagbibihis ako, (kunware pang nakapikit). Pero ganunman she’ll always be my kama (Waw! Testi ito for Queenie).

Sana mamaya maaga ko makatulog, sana hindi ko na kailangan magpagulong-gulong para lang mapagod. Alam mo ba na may 5 stages ang pagtulog, sana nasa fifth stage na ko kagad (asa naman ako!). Sige higa na ulit ako nasakit na yung likod ko eh. Mahaba-haba na rin ‘to, namimiss ko na rin si Queenie and the rest of the gang. Sige na, excited na ko magbonding kami. Gould neith!

Pabaon mula sa nagsulat: “Kumustahin ang mga unan, tanungin kung nasa maayos ba silang kalagayan, wag silang paliguan ng tubig ng bibig, sa mga ganitong paraan ay makakatulog ka ng mahimbing....habambuhay!”
Petsa ng paggawa: Isang araw na naapreciate ko ang nose bridge ko.
Inspirasyon sa paggawa: Si Sofie na nasa lap ko ngayon, Tsansing!
Dahilan ng paggawa: Para masabi sa mga unan ko na ipinakilala ko sila sa mundo mamaya pagnag-bonding na kami.
Hinahandugan ng paggawa: Jeremie Lamigo – babasahin lang ang blog ko kapag may pangalan na niya. Wag ng gumaya yung iba ha.

2 comments:

Anonymous said...

uy viki toh...ano ba yan parang ako ung first na nagbibigay ng comment? pero ok lang... nalulungkot ako leo.... kc pinipilit kong wag sabihin sau toh e kc nahihiya ako tsaka baka isipin mo na ang babaw ko,,, pero kc nasasaktan na talaga ako kaya gusto ko na malaman mo na toh leo... bakit ganun pinipilit ko naman na maging ok sa lahat ng bagay,maging mabait,magaling pero bakit ganun simpleng ilagay mo lang din ang panagalan ko jan e di mo magawa,, sila lang ba naalala mo?namimiss mo? mahalaga sau?kaibigan mo? e ako anoh? sa bagay sino ba naman ako noh.... ok lang




ok ba gawa ko? hehehe o yan lagay mo na din name ko ah...ng mapansin naman ako ng mga readers mu..... tnx in advance

nian said...

waw.. nagdrama si viki... wahaha... buti nlng andiyan name ko kundi magdadrama in ako.. ako p nmn pinka avid mong rider at commentor.. wahaha... yngget ako sa mga unan mo.....!! andame dame nmn nila.. pinilit kong tandaan nmes nila pwo sa sobrang dame iilan ilan lng naalala ko... saka di kmi msaydo klose, di pa nga kmi nagmimit e.. kaya pakilala mo sila sakin samdey.. okei..??? pra fwendship na din kmi.. ^-^