Bingo! Nakapagbingo ka na ba? Ako milyong beses na. Nakakaexcite magbingo, tantos ka ng tantos ng mga numero hanggang makabuo ka ng pattern na imbento lang ng mga ninuno mo. Tumataas ang blood pressure ko sa sobrang kaba kapag puro na ’ko. Syempre minsan bumibingo ako (at pinagmamalaki ko ‘yon) pero madalas sawimpalad ako.
Maraming uri ng bingo: Monkey Bingo – ito yung larong sayang lang sa oras. Matapos kayong magbingo ng ilang oras ay mag-aayawan na at manghihingi ng balato sa nanalo, Mala-Santa Klaws naman ang nautong nanalo na mamalato at marerealize na lang niya kinagabihan na puhunan niya lang din ang natira (dambobo eh!). Bingo Clan – ito minsan ang pinagmumulan ng mga sama ng loob sa mga magkakamag-anak. Sumasama ang loob ni Nena kapag hindi siya binabalatuhan ng pinsan niyang si Boy, doon na nagsisimula ang panunumbat ni Nena sa mga inutang ng asawa ni Boy na pambili ng gatas, ang pagpapahiram ng gunting sa anak ni Boy nung mga panahong naghihikahos sila, ang pagpatay ng lamok na dapat sana’y kinagat na ang sanggol ni Boy, ang paglalanggas kay Boy dalawang araw matapos itong tuliin at ang pagbibigay ng palayaw na “Boy” kay Boy kahit Constancia ang tunay na pangalan nito. Family Bingo – sa bingohang ito wala akong katalo-talo, kapag nanalo ang ina ko sa bingo ng pamilya namin, agad akong hihingi ng balato, pangmeryenda kasi nagugutom na ko (kahit hindi pa ako makahinga sa sobrang busog), pambayad ng project namin (basta project hindi ko na sasabihin kung ano, sikret lang yun), pambili ng ice cream na ipinangako niya sa’kin (kahit hindi), at pambayad sa utang niya sa’kin nung mga panahong kulang ang binigay niyang pambili ng Pampers (yan ang gamit ni ina kapag may regla, jok). Neighbingood – dito naman nagkakalabasan ng pera kahit nanghingi lang ng konting paksiw si Yolly kay Beleng dahil wala pa raw padala si Nestor na asawa nito. Natatalo ng dalawang daan si Yolly sa bingo kaya manghihingi nanaman siya ng ulam kay Beleng sa hapunan (saksakan ng kapal ng mukha!). Bingo Sosyal – ito ang dibdibang bingo sa lahat, dito ka na makakukuha ng pantuition ng anak mo sa college, pampagawa mo ng baradong toilet bowl (kahit nakikigamit ka lang ng banyo sa labas), pampabrace ng anak mo (sa pag-asang matatakpan ang tartar ng anak para lang hindi mahalata ng mga kapitbahay na wala kayong pambili ng Colgate) at pagpaparetoke mo ng ilong (dahil yun na lang ang kulang para maging kamukha mo na si Michael Jackson). At syempre ang Universal Bingo – sa lahat ng bingo, ito na ang pinakamalupet! Dito mo na maririnig yung mga out of this world na mga pinagsasasabi ng mga kapitbahay mo na pantukoy sa isang numero (hindi mo ba napansin na kapag sumasali ka sa kanila ay hindi ka bumibingo? Strategy nila ‘yon TANGA!).
Mga taguri sa mga numero na dapat sauluhin para bumingo. Kopyahin sa malinis na papel ang mga nasa ibaba at ilagay lang sa masakit na parte ng katawan pagkatapos. Garantisadong mabisa ito sa mga may ubo, tipus at ketong, samahan lamang ng orasyon at tatlong Aba Ginoong Maria limang beses isang araw:
1 – Unat, Unat na unat, Poste ng Meralco, Numero Uno, Juan Dela Cruz at Titing Tayo.
2 – ABS-CBN, Bertdey ni Lordes, at Madreng nakaluhod.
3 – Bertdey ni Momoy, Tatlong Iklog, at Kalahating Otso (Tangina naman!)
4 – Kamatayan ni Tsong.
5 – Edad ni Pong-Pong. “Putangina ka talaga!” (binatukan si Pong-Pong matapos madapa.)
6 – Demonyo at Kantutan.
7 – Jawo, Lucky Seven at Kapuso.
8 – Pilipit, Bertdey ni Biki, Ahas (Waaaaaaah! Panu naging ahas ang 8!)
9 – Nuwemblayn, Piyesta ng Quiapo.. “Naku malapit na ang piyesta ng Quiapo, maghahanda nanaman si Lydia...”(Doon na magsisimula ang kwentuhan, tigil na ang bingo.)
10 – Bertdey ni Badodeng, Dyis por Santo.
11 – Uhog, Dalawang Poste
12 – Dosena.
13 – Biyernes (basta biyernes was mo na tanung kung bakit!), Demonyo.. “Anu ‘yon sais? Linawin mo nga! Para ka namang gaga eh..” (Sisisihin kalaunan ang bumobola sa pagkatalo).
14 – Balentayms (Waw nag-effort!)
15 – Suweldo, Kinsenas-Katapusan.
16 – Sweet.
17 – Edad ni Jan-Jan. “Disi-syete na ba si Jan? Sebentin pa lang yon!” (Pasensya, engot lang)
18 – Debut ni Me-an. (Si Me-an lang ang magdedebut kapag eighteen ha, wala kayong karapatan!).
19 –Disi-Nuwemblayn, Bertdey ni Potpot yung anak ni Joy sa pangalawang asawa. (Tsismosa!)
20 – Beyyyyynte! (Ipagkadiinan ang “eyn” sa bente kahit hindi kailangan), Tweyyynti.
21 – Debut ni Epok (Muli, Si Epok lang ang may karapatang magdebut).
22 – Dalawang madreng nakaluhod, Beyntedoy (Pauso!)
23 – Jordan (Kahit hindi kilala si Jordan basta Jordan!)
24 – Bisperas. (Noche Buena ito!)
25 – Pasko. (Taguan na ito!)
26- Bertdey ni Yolly (yung lola kong walang ngipin, masarap kamong magpritong manok yon!).
31- Bagong Taon. (Akalain mong bagong taon yan!Galing eh!)
32 – Bewang ni Jun (Wala kaming pakialam kay Jun!)
40 – Takwarent. (Pauso ulet!), Kwarenta diyas (Pwedeng kwarenta na lang?)
42 – Nayntin ni Beleng. “Tanga! 1948 ako!” (magagalit sa kapatid, high-blood?!)
44- Pokpok, puta, Putangina ka, (Ito na ang sinumpang numero. Kawawa naman.)
45 – Putok. Si Marilyn may putok. “Kapal ng muka mo, wala akong putok ha!” (Itataas ang kili-kiling tadtad ng tawas).
50 – Salapi, Talapi.
52 – Sigodoy.
54 – Highway. (Explain to me why highway! Matagal na kong binabagabag niyan eh!)
55 – Dalawang Tsonggo.
56 – Bumbay. “Hoy yung utang mo kay bumbay sinisingil ka na nga pala..” “Gago ba siya sabi ko sa isang linggo na siya bumalik eh.” (Kawawang bumbay...)
60 – Sinyor Sitisen, Edad ni Pilang.
66 – Dalawang Demonyo.
69 – Baligtaran, talap-talap! (Getz? Manyak!)
70 – Kalbo. (Bakit kalbo, explain!)
75- Matanda. (Hindi ba matanda ang 74? 73? 72? ha? nag-iinit na ulo ko!)
Adik ang nanay ko sa bingo, pero ayaw niya ng mga pipitsuging bingo na dalawang kinakalawang na limang-piso lang ang premyo. Gusto niya yung malakihang premyo kaya naman naging residente na kami ng Bingo Station sa SM Bacoor. Tatlong iba’t-ibang kulay yung dala-dala niyang pantantos kapag nagbibingo, minsan kong tinanung kung bakit at ang sinagot: “In case of emergency mawalan ng tinta yung isa, eh di yung isa naman tsaka para swerte!” (Wooooooh! Naloka ko do’n!).
Natatawa ko kapag naaalala ko yung mga ginagawa ng mga kamag-anak ko para lang manalo sa bingo: inaaalog ang bolahan ng tatlong ulit, Para daw swerte; Pinapaalog ng mabuti sa bumobola yung bolahan para daw lumabas yung mga hindi pa natatawag na numero (mga desperado lang gumagawa nito.); tinatabi yung card na nagpapanalo sa kanila nung isang araw, swerte daw yun; pumipili ng card na may favorite number nila (Waw! Azteg!); Hindi pinapahakbangan yung mga bingo cards para daw hindi malasin (May mga scientific studies ba na magpapatunay diyan?); at may humahawak sa pot money para swertehin (Hanep!).
JL: (Kinakabahan) “Puro na ko.”
Bumobola: “Sa B.....Bituka!”
JL: (Confused) Ha? Anu yun?”
Bumobola: “Sa G...”
JL: “Teka! Anu yung bituka?”
Bumobola: (Galit) “Otso tanga!”
JL: “Oh Bingo na ko!”
Bumobola: “Wala na, nalagpasan ka na!”
Kaya kung gusto nyo talagang manalo sa Universal Bingo makabubuting sauluhin nyo talaga lahat ng diksyonaryo ng Bingo lalo na yung sinulat ko sa itaas para makatikim naman kayo ng Otso-pesos na premyo. Bingo!
Pabaon mula sa nagsulat: “Gumawa ng sariling tawag sa mga numero sa bingo, sa ganoong paraan ay makapandadaya ka at malilikom mo lahat ng pera ng kalaban. Humanda ka lang mamatay pagkatapos.”
Petsa ng Paggawa: Isang hapong nanabik ako sa radiation.
Inspirasyon ng Paggawa: Mga taong patuloy na nagbubuhos ng panahon sa pag-imbento ng mga taguri sa numero ng bingo.
Dahilan ng Paggawa: Magbigay babala sa mga balak sumali sa Universal Bingo.
Hinahandugan ng Paggawa: Mga mais at batong ginawang panantos.
Monday, January 8, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
Isa n nmng mgandang artikulo.. napasaya mo na nmn ako… mganda siya especially dun sa part ng mga tawag sa number sa bingo khit minsan di ako mkarelate kasi puro mga kpmilya mo ung karakters.. ok lng ung article. Wlang part na tlgang remarkable.. ung parang di xa mag-iistand out… un.. kaya siguro sa apat na post ito ung una kong makakalimutan… 84% ang post na to…
Goodness dowo!! its not a really really really (and repeat that a gazillion times!) long post, never been so shocked and amazed at the same time!! it makes me feel ashemed about my so short, and quite nonsense blogs!!! you go JL!! keep it up..
ooopsie..an error there its ashamed, not ashemed..
Highway yung 54 kasi EDSA was formerly called Highway 54. :)
75 pinakamatanda kasi un ung pinaka mataas na number sa bingo game :)
Post a Comment