Nakaraang paraan ng pagligo: 1. Hubad (kahit saan. keber ko bang kumalembang yagbols ko.), 2. Buhos ng isa hanggang tatlong tabo ng poso (basta’t mabasa lang yung buong katawan ko. Oks na!), 3. Shampoo ng buhok (at katawan kapag tinatamad), 4. Sabon ng katawan (pati ulo kung minsan kapag walang shampoo), 5. banlaw ng konti (maaalis lang yung mga bula sa katawan), 6. Punas (gamit ang kahit na anong pwedeng ipamunas. Kahit yung trapo na nakasabit sa pridyeder pwede.) 7. Pabihis kay mudraquella (o sa kahit kaninong marunong magbihis. ‘Wag lang si Ades, pinapalo ako nun minsan kapag tatanga-tanga ko.).
Kasalukuyang paraan ng pagligo: 1. Decide (magdedecide ako kung maliligo na nga ba ako o hindi.) 2. Halukay ng damit (Pinipili ko pa yung mga damit na feel ko suotin kahit mahihiga lang naman ako ng mahihiga.) 3. Dabog (optional ito kapag walang shampoo o sabon.) 4. Basa ulo (kasama katawan kapag malapit na the buzz.) 5. Shampoo (titigil lang ako sa pagshampoo kapag may nalagas na akong buhok.) 6. Basa ng katawan (weeeeee so lamig!) 7. Scrub using loofah (sosyalin ako noh. pipinong pinatuyo lang yung loofah namangha ka naman, bato lang kasi pinanghihilod mo eh) 8. Sabon (syempre babasain ko muna ulit katawan ko) 9. Sayaw (nagsusumayaw ako habang nagsasabon. para enjoy!) 10. banlaw (natural! alangan namang lumarga akong puro sabon. Hmmmm. sounds exciting. try ko nga. ) 11. Punas (tinitiyak kong dehydrated na ko bago magbihis.) 12. Bihis (hindi ko naman gugustuhing lumabas ng hubo noh! ibahin mo ‘ko sa’yo may puri’t dignidad naman ako.) 13. Labas ng kubeta (syempre lalabas ako, hindi mo naman ako katulad na kubeta lang ang tinitirahan eh.)
Naaalala ko dati naliligo kami ng mga kalaro ko sa poso. Nagdadala kami ng mga batsa (balde lang sa iba kaya inggit sila sa mga may batsa lalo na pag sumasakay na kami sa loob, nagpepretend na lang sila na nag-eenjoy din sa mga balde nila kahit na ang totoo eh sinusumpa na nilang mabiyak yung mga batsa namin para latayan kami ng mga magulang namin sa butt
Sa pagligo napakaimportante sa’kin ng shampoo, kahit anong tatak basta bumula lang yung buhok ko kapag naliligo. Favorite ko yung Pantene na blue kasi 2 in 1 na s’ya may shampoo na may conditioner pa! (tumatanggap rin ako ng endorsements ng sabon, langis ng niyog, gata at pamparegla). Gusto ko din yung shampoo na black, kahit ano basta black kasi naeelegantehan ako (sosyalin!). Kaiga-igayang gamitin yung mga shampoong may promo sa loob, lalo na yung sa Sunsilk, nakooooo tinataya ko ang mahihina kong ngipin para lang ngatngatin yung sachet makita lang na nanalo ako 10% discount sa mga establisyimentong hindi ko naman pinupuntahan (ganun talaga naeexcite ako eh.). Naaalala ko dati natakot ako, inakala kong may cancer na ko dahil naglagas –lagas yung buhok ko, buwakanenang shampoo yan para kong kini-chemo! (hindi ko sasabihin yung pangalan ng shampoo para magamit mo ‘yon at magkacancer ka din, malay mo yun na ang maging daan sa pagbabago ng hair-do mo, eh ‘di libre na yung gupit, kung matutuklasan mo yung shampoo na yun, magtayo ka na ng salon, malaking tulong yun sa pagpapakalbo.). Sa lahat ng shampoo ang pinakaayokong pinapagamit sa’kin nung bata ako eh yung Safeguard, *&%#ina! nagmumuka akong katutubo dahil nagdidikit-dikit yung buhok ko!.
Palipa’t lipat kami ng bahay at one major factor na kinokonsidera ko eh yung banyo, gusto ko kasi malaya akong nagagawa yung mga ritwal ko sa pangalawang pinakapaborito kong lugar sa mundo. Komport rum Konpesyons: Nagcoconcert ako sa banyo (hindi ito ordinaryong concert dahil walang boses na lumalabas sa bunganga ko, nahihiya kasi akong may makarinig kaya pinipili ko na lang i-leap sing ang lahat, ‘wag mong sasabihin yan sa mga magulang ko ah, yan ang dahilan kung bakit matagal ako sa banyo Sinong nagsabing may sakit ako sa utak? Tanga ka ah!). Nag-eexcercise din ako (nainspire ako sa sinabi ni Jay-R na nakakapag cardio-vascular exercise siya sa pagsayaw, kaya nagsusumayaw ako sa banyo sa tuwing naliligo ako kaya naman minsan nagkakasugat-sugat ako dahil nababangga ako sa bowl o sa mga pader. Huwag mo ulit sasabihin yan sa mga magulang ko upang hindi nila malaman kung bakit madalas na may gumagalabog sa loob ng kubeta kapag naliligo ako. Sinong nagsabing wala ako sa tamang pag-iisip? pak yu ka kung ganun!). Nag-iimbento ako ng hair-do (matapos kong basain yung buhok ko, umpisa na ng pag-aayos ng iba’t-ibang hair style na tanging ako lang ang may gawa. Nagkakaroon minsan ng hair exhibit sa banyo naman kapag ginagawa ko yan . Sinong nagsabing may palipad-hangin ako? Bulsyet ka ba!). Pinapatawa ko yung sarili ko gamit ang salamin (Sa lahat dito ako pinakanaaaliw, dito ko naibubuhos lahat ng talento ko sa pag-eentertain ng sarili. Sinong nagsabing abnurmal ako ha? Gago ka noh!). Nag-aacting workshop ako (dito ko madalas nabubuo yung mga character sa play namin, at dito ko rin madalas ginagaya yung mga trip kong gayahin. Sinong nagsabing timang ako? Hayup ka!) at ang pinakasosyal sa lahat... Nagshashower ako! (hinahawakan ko ng mataas na mataas yung tabo at dahan-dahan kong binubuhos yung tubig sa ulo ko, Woooooh sarap! Sigurado ako na gagayahin mo ko dahil ambisyosa ka ring hampas-lupa ka! Sinong nagsabing mamatay na ko? Taena mo!). Yan ang mga madalas kong gawin kapag naliligo na ko, pero syempre hindi sabay-sabay dahil naiirita ako sa color yellow naming bumbilya, ang init!.
Nagdedecide ako kung maliligo na ko ngayon o hindi, tulungan mo akong magdecide, pumili lang sa mga choices. Game KNB? (sumagot ng game na habang tinataas ang kanang kamao. ang hindi mauto, mamatay!) A) Maliligo na ko ngayon din matapos akong magcomputer, sa ganoong paraan mapapadali ang pagkabulag ko. B) Maya-maya na ako maliligo, magpapagulong-gulong muna ko sa kama hanggang lumubog ang kutson. C) Hindi na ko maliligo, bukas na lang, hahayaan ko na lang masuffocate ako ng masangsang kong amoy. D) Never ever na kong maliligo, sa ganoong paraan, makatutulong ako sa pagconserve ng tubig at hindi na makadaragdag pa sa water bill.
Pabaon mula sa nagsulat: “Ang pagligo ng madalas ay nakapagpapahina sa immune system. Maligo lamang ng isa hanggang dalawang beses isang buwan. Maniwala tanga!”
Petsa ng Paggawa: Isang araw matapos akong mag Fund-Raising concert sa kubeta.
Inspirasyon sa paggawa: Tuklap na yero ng bulok na pinto ng banyo namin.
Dahilan ng paggawa: Para may mailagay lang ako sa blog ko.
Hinahandugan ng paggawa: Sa kababata kong german na pinaligo ang baha.
4 comments:
Waaaaaaaa.. ito ang favorite post ko so far..!! twang twa ako ito..lalo na dun sa mga hobby mo sa pagliligo.. dme nateng prehong hobby.. lalo na ung paglilipsynch sa banyo.. sobra ung twa ko nun kasi di ko akalaing may tanga rin plng katulad kong nahihiya sa mga kasambahay kaya mas pinipili nlng maglipsynch… kaso medjo nakakalito lng ksi sa simula sabi mo katatapos mo lng maligo tapos sa ending sabi mo nagdedecide ka kung maliligo ka.. alam kong 3 araw mo to ginawa kaya nagets ko pwo panu nmn ung mga ndi alm na 3 araw mo to pinaghirapan?? Malilito sila. Un n.. 90% grade nito.
Post a Comment